Sunday, March 6, 2011

marso

buhay.
liwayway.
mga minsanang pangyayaring bahagi na ng mundong ibabaw
unos.
pagbuhos.
mga katotohanang di makakaila ng mga pusong uhaw

ang bawat sandali ay pag-ikot
pagkalusaw ng mga alaalang dumaan sa paglimot

kung ang buhay ko ay susumahin
ano kaya ang aanihin?
ang buto kong itinanim
ay nilamon na ba ng dilim?

panaginip.
naidlip.
simula.
at natatanging gunita.

sa gitna ng pagkabalisa
hinahanap ko ang aking natatanging

          Araw.

No comments:

Post a Comment